Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Quezon City; 5 bricks ng marijuana nakumpiska

Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng drug enforcement unit nh Northern Police District (NPD) sa Barangay Bagong Bantay, Quezon City.

Ang suspek ay isang 22 taong gulang na lalaki.

Ayon kay Police Captain Ramon Aquiatan Jr. Ng NPD-DEU, isinagawa ang follow-up operation matapos ang pagkaka-aresto sa 2 suspek na nahulihan ng 1 1/2 kilo ng marijuana noong February 16 sa Bagong Barrio sa Caloocan City.

Nakumpiska sa suspek ang 5 bricks ng pinatuyong marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P600,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...