Amihan muli pang lumakas apektado na ang buong bansa ayon sa PAGASA

Muli pang mararamdaman ang bugso ng northeast monsoon o amihan.

Ayon sa PAGASA, apektado na muli ng amihan ang buong bansa.

Dahil dito, ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa
Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at sa Panay Island.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

Inaasahan ayon sa PAGASA na magiging malamig na temperatura ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Dito sa Metro Manila 21 degrees Celsius ang inaasahang minimum na temperatura, 12 degrees Celsius naman ang posibleng minimum na temperatura sa Baguio City at 17 degrees Celsius sa Tuguegarao City.

Sa susunod na tatlong araw, amihan pa rin ang makakaapekto sa bansa at wala namang aasahang sama ng panahon.

Read more...