2 arestado sa buy-bust operation sa Navotas

Arestado ang dalawang katao na kapwa nasa drugs watchlist ng pulisya sa ikinasang operasyon sa Navotas City.

Isang police poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek sa Barangay San Roque.

Agad silang dinakip ng mga tauhan ng Navotas Police matapos maiabot ng mga suspek ang ilegal na droga.

Nakumpiska sa kanila ang 4 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa mahigit P29,000 ang halaga.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read more...