2 babae arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang dalawang babae sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Payatas B sa Quezon City.

Ayon kay Maj. Sandie Caparroso, ng QCPD Station 6, ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Lanzones Street.

Nakipagkasundo ang dalawang suspek sa police poseur buyer para sa bentahan ng P200 halaga ng shabu.

Nang magkaabutan na ay agad dinakip ang mga suspek.

Aabot sa limang sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa kanila.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

Read more...