National at regional activities ng mga paaralan, maari nang ibalik sa Feb. 24 – DepEd

Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na ibalik ang national, regional at off-campus activities sa February 24.

Ito ay matapos maantala ang ilang aktibidad ng mga mag-aaral dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa inilabas na memorandum, kailangang sundin ang lahat ng precautionary measures ng DepEd at Department of Health (DOH).

Sinabi pa ng kagawaran na lahat ng personnel at mag-aaral na tutuloy sa mga personal na lakad sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pebrero ay kinakailangang sumailalim sa mandatory self-quarantine sa loob ng 14 na araw simula sa petsa ng pagbalik sa Pilipinas.

Ipinag-utos din ng DepEd sa mga paaralan na magsagawa ng school-wide general cleaning at pinaigting na disinfection efforts tuwing Sabado at Linggo.

Hinikayat naman ng kagawaran ang mga pribadong paaralan na i-adopt ang precautionary measures na itinakda ng DepEd laban sa COVID-19.

Read more...