Santa Catalina, Ilocos Sur nilindol

Niyanig ng magnitude 3 na lindol sa Santa Catalina, Ilocos Sur Miyerkules ng hapon.

Batay sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 58 kilometers Northwest ng Santa Catalina dakong 5:36 ng hapon.

May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...