Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na mayroon pa ring namamataang kaulapan sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, asahan pa rin aniyang makakaranas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Quezon, Bicol region at malaking part ng Katimugang Luzon.
Magiging maaliwalas naman aniya ang lagay ng panahon sa nalalabing parte ng Luzon maliban sa maliit na tsansa ng mahihinang pag-ulan.
Dagdag pa nito, asahan pa ring makararanas ng malamig na temperatura tuwing madaling-araw.
Sinabi pa ni Ordinario na wala pa ring inaasahang papasok o mabubuong weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa tatlo hanggang limang araw.