Ayon kay Presidential spokesman Salvavdor Panelo, nagkakaroon kasi ng magkakasalungat na opinyon ang mga mambabatas kung maari pang ipagpatuloy o hindi na ang operasyon ng ABS-CBN kahit na mapaso na ang prangkisa nito.
Ayon kay Panelo, maaring magpasa ng bagong batas ang Kongreso na nagsasabing may pending na batas para sa franchise renewal.
Hindi aniya dapat na matakot ang mga mambabaatas sa pagbalangkas ng bagong batas dahil kailanman ay hindi nakikiaalam si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit pa aniya i-veto ng pangulo ang bagong batas, may kapangyarihan pa rin ang Kongreso na i-override sa pamamagitan ng two thirds na boto.