PNP chief Gamboa, ibinigay sa PNP regional units ang pangalan ng illegal gambling operators

PHOTO CREDIT: @PNPChiefGamboa/FACEBOOK

Ibinigay sa mga regional unit ng Philippine National Police (PNP) ang pangalan ng mga ilegal na gambling operator.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni PNP chief General Archie Gamboa ipinadala niya sa regional directors ang lahat ng pangalan ng illegal gambling operators na ibinigay sa kaniya mula sa iba’t ibang source.

Nagbanta pa ang PNP chief na mayroong pananagutin kung hindi gagawa ng aksyon at hindi tutugon sa kaniyang direktiba.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Gamboa ang mga pulis na huwag magpasuhol sa mga operator ng illegal gambling.

Aniya, dapat magkasa ng “aggressive operations” ang mga pulis para mapaniwala siyang mayroong ginagawang hakbang ukol dito.

Read more...