Nabuking ang ‘Pastillas scheme’ sa Senate hearing kung saan sinusuhulan ng mga Chinese ang mga tiwalang opisyal ng BI kapalit ng pag-escort na makapasok bansa at makapag-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operatiors (POGO).
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na nakahanda rin ang kanilang hanay na magbigay ng kopya ng closed circuit television o CCTV footage kung hihingi ang BI.
“Kung meron silang mga pangagailangan at covered ng CCTV namin, kasi hindi pa lahat may CCTV. Its ongoing pa ‘yung projects namin. ‘Pag natapos ‘yun, definitely kapag may valid reason ‘pag humingi ang ating ibang ahensya wala na tayong problema dun,” ani Monreal.
Pero sa ngayon, sinabi ni Monreal na tumatagal lamang ng isang linggo ang storage ng kanilang CCTV footage.
Aminado si Monreal na mabigat sa kanyang kalooban na nababalot ng kontrobersiya ang mga taga-BI at sa loob pa ng bakuran sa Manila International Airport nangyayari ang suhulan.
“Siguro kasing bigat ng pagtanggap na nararamdaman ng ahensya ng Immigration. Kahit hindi kami directly involved, syempre po kami po, we sympathize with the Bureau kung ganun po ang naging label so sana naman po maayos po ito,” dagdag ni Monreal.
Ayon kay Monreal, walang control ang MIAA sa border dahil hawak ito ng BI.