Mga opisyal at kawani ng National Center for Mental Health inasunto ng NBI dahil sa katiwalian

Nagsampa ng kasong katiwalian ang National Bureau of Investigation-Anti Graft Division (NBI-AGD) laban sa 20 opisyal at kawani ng National Center for Mental Health (NCMH) kasama ang tatlong pribadong indibiduwal.

Paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act 9184 (Government Procurement Reform Act), at Gross Negligence and Serious Dishonesty na may kaugnayan sa pagbili ng CT Scan Project na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon ang isinampa laban sa mga suspek.

Sinabi ni NBI Director Dante Gierran na kabilang sa mga inasunto ng NBI sa Office of the Ombudsman ay si Dr. Bernardino Vicente, retired NCMH Medical Center Chief II; at ang incumbent officials at mga empleyado ng NCMH, na sina Dr. Beverly Azucena, Clarita Avila, Dionisio Tolentino, Dulce Valerio, CPA; Godofredo Valles, MPA; Dr. Jenkin Go, Engr. Esteban Gamurot, Dr. Alden Cuyos, Dr. Jumelyn Perez, Dr. Cynthia Agustin, Ms. Belma Cruz, Ms. Publio Plotena, Dr. Christopher Christian Chu, Jerry Rodriguez, Arturo Salcedo, Dr. Evelyn Belen, Engr. Darwin Pastor, Solidad Yambao, Ma. Charina Concepcion Aberin, International Inc., Ronald Tan, General Manager ng RJJL Construction and Trading and Ronald Allan Gacoscos, General Manager ng GACOSCOS Construction, at ang pribadong indibiduwal na si Portia Baviera ng Technomed.

Ayon kay Director Gierran, nag-ugat ang asunto makaraang ang reklamo ng Employees Association ng NCMH.

Nadiskubre sa imbestigasyon ang samu’t saring anomalya sa procurement ng CT Scan Equipment kabilang na ang hindi pagtalima sa rekisito ng Republic Act 9184 at ng Department of Health (DOH).

Sa kabila din aniya nang hindi paggana o pagkasira ng CT Scan Equipment ay tinanggap at binayaran ito ng NCMH sa halagang P2,400,000 sa Technomed Intl Inc.

Pinaghiwa-hiwalay din aniya ang CT Scan Project sa apat na kontrata sa halagang tig-Php 3040770625 sa kanila na ang approved budget sa presyo nito ay P2,680,000 batay sa nakasaad sa Sub-Allotment Advise (SAA) No. 2017081646 para lamang dayain ang mga rekisito ng batas at sa kinakailangan na competitive bidding.

Read more...