Travel tax, ipinasusupinde sa Kamara

Ipinapasuspinde ng Air Carrier Association of the Philippines sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang travel tax upang muling mapasigla ang turismo.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Atty. Robert Lim ng ACAP dapat alisin na muna ang travel tax.

Nais din nito na magpatupad ng three-day holiday kung saan kapag may holiday sa isang linggo, dapat itong ilipat sa araw ng Lunes o Biyernes.

Bukod dito, hiniling din nito na ma-exempt sa 14-day quarantine ang mga airline crew dahil nababawasan na ang mga tauhan ng airlines.

Paliwanag nito na mas pinaigting naman ng mga airline company ang kanilang disinfection protocol para masiguro na protektado ang mga pasahero at mga crew sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Mahigpit din aniya ang screening sa mga pasahero kung saan may hepa filter sa airlines at sa eroplano na ginagamit sa pag-screen at pagsala sa hangin na efficient na pumapatay ng 99.9 percent na bacteria.

Paliwanag ni Lim, malaki na ang negatibong epekto ng COVID-19 sa turismo ng bansa dahil halos 28 flights sa China at sa mga special administrative regions ang kanselado kada linggo o mahigit 2,000 na flights o 293 na pasahero na ang apektado mula Pebrero hanggang Marso.

Aabot naman na aniya sa $10 billion na ang nawawalang kita sa airlines.

Read more...