Pagbawi ng travel ban sa Hong Kong at Macau malaking tulong sa mga OFW – Sen. Recto

Makakahinga na ngayon ng maluwag ang libu-libong OFWs at kanilang pamilya sa pagbawi ng travel ban sa Hong Kong at Macau.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto napawi na ang pangamba ng mga OFWs na lalo silang maghihirap dahil hindi pa sila makakabalik sa kanilang mga trabaho sa Hong Kong at Macau.

Una nang ikinatuwiran ng ‘stranded OFWs’ mas nakakatakot na wala silang babalikang trabaho kumpara sa banta ng corona virus.

Dagdag pa ni Recto kumpara din sa mga ospital sa bansa mas magagamot sa mga pagamutan sa Hong Kong ang tatamaan ng Covid 19 at aniya nangako na rin ang gobyerno ng Hong Kong na aalagaan nila ang mga Filipino na nasa kanilang teritoryo.

Binanggit din ng senador na magagawa ng gobyerno na ilibre sa pasahe ang mga stranded OFWs dahil maliit lang ang gagastusin kumpara sa halos P30 bilyon nilang remittances kada isang buwan.

Read more...