Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isinuot ng pangulo ang wrist band bilang simbolo sa pagnanais na magkaroon ng kapayapaan sa Pilipinas.
Inihalintulad pa ni Panelo ang wrist band ni Pangulong Duterte sa wrist band na palaging suot ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Wala aniyang dapat na ipag-alala ang publiko dahil maayos naman ang lagay ng kalusugan ng pangulo.
Noon pa man aniya, hindi na itinatago ni Pangulong Duterte sa publiko ang lagay ng kaniyang kalusugan.
Agad din aniyang sinasabi ng pangulo sa taong bayan ang kaniyang mga nararanasang sakit.
Matatandaan na nakasuot ng puting wrist band si Pangulong Duterte na mistulang medical plaster nang dumalo sa pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite.
Simula linggo hanggang ngayon, wala pang public engagement si Pangulong Duterte at nanatili sa Davao City.