Coronavirus hindi nabubuhay sa mga package galing China

Muling nilinaw ng Department of Health o DOH na hindi kakalat ang Corona Virus Disease o COVID-19 nang dahil sa mga package na mula sa China.

Sa health advisory ng DOH, sinabi ng ahensya na ang mga taong tumatanggap ng mga package, regalo at kahalintulad na galing sa China ay hindi “at risk” o basta-basta mahahawaan ng COVID-19.

Paliwanag ng DOH, base sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO ay hindi nagtatagal ang buhay ng mga corona virus sa mga bagay o gamit, tulad ng packages.

Paalala ng DOH sa publiko, alamin kung alin sa mga kumakalat na impormasyon kaugnay sa COVID-19 ang totoo o fake news o haka-haka lamang.

Ang DOH naman ay palagiang naglalabas ng mga abiso na makakatulong sa mga tao hinggil sa banta pa rin ng COVID-19.

Read more...