DFA naglabas ng listahan ng mga lugar sa China na may available flights pabalik ng Pilipinas

Naglabas ng listahan ng mga available commercial flights sa China ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kapakanan ng mga Filipino na nais bumalik ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, marami pang available na biyahe sa China kaya may masasakyan ang mga Pinoy na nais umuwi.

Kabilang sa mga mayroong pang flights patungong Pilipinas ay galing Beijing, Chengdu, Chongqing, Guangzhou, Guiyang sa Guizhou Province, Hong Kong, Kunming sa Yunnan Province, Macau, Shanghai, at Xiamen.

Pinaalala naman ng DFA sa mga Pinoy na sasailalim sila sa mandatory 14-day quarantine sa sandaling bumalik sila sa bansa.

Maari din silang makipag-ugnayan sa DOH at DFA nsa WeChat hotlines sa pamamagitan ng link na ito: https://bitlylink.com/WeChatHotlines

 

Read more...