Hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf naaresto sa QC

Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto sa Culiat, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naaresto ang suspek na si Adzman Tanjan, 32 anyos dahil sa illegal possession of firearms.

Isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na si Tanjal sa Libyan Street sa Salaam Compound.

Nakumpiska sa suspek ang isang MK 2 Fragmentation Hand Grenade at isang Colt Mark IV caliber 45 pistol na mayroong isang magazine na loaded ng anim na mga bala.

Read more...