South Koreans na sakay ng MV Diamond Princess nailikas na

Nakabalik na sa South Korea ang anim nilang mamamayan na kabilang sa sumailalim sa quarantine sa MV Diamond Princess sa Japan.

Maliban sa anim na South Koreans, iniuwi din ng Seoul ang isang Japanese na asawa ng isa sa mga Koreans.

Isasailalim sa isolation ang mga inilikas sa loob ng dalawang linggo sa Incheon International Airport Quarantine facility.

Ang walong iba pang South Koreans na sakay ng barko ay tumanggi namang magpalikas.

Read more...