Ito ay paglilinaw sa naunang abiso ng Department of Health (DOH) na inilabas noong February 7, 2020 kung saan hinihimok ang publiko na iwasan ang pagdaraos ng events na mangangailangan ng malaking bilang ng atendees.
Sa inilabas na joint statement ng DOH, Department of Tourism (DOT) at ng Department of Interior and Local Government (DILG), ligtas mag-organisa at dumalo sa mga public gathering gaya ng konsyerto, pulong at mga festival.
Basta’t kailangan lamang na matiyak na may precautionary measures na sinusunod sa mga idaraos na event.
Kabilang dito ang pagtitiyak na masusuri ang temperatura ng mga dadalo sa malalaking pagtitipon at may mga ilalaang hand sanitizers sa venue na magagamit ng publiko.
Nakasaad sa statement na ang mga hotel at resorts sa bansa ay nagpapatupad na ng ganitong mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mga lokal at dayuhang turista.