Sa inilabas na impormasyon ng DepEd na nilagdaan ni Undersecretary Alain Del B. Pascua, walang Filipino roots ang “toga” dahil galing ito sa “Western countries”.
Hindi rin ito sumasalamin sa loyalty sa isang bansa, at sa halip ay nagpapaalala ito ng colonial history.
Hindi rin praktikal ang gumamit ng toga sa isang tropical country gaya ng Pilipinas.
Maliban pa sa dagdag gastos pa ang pagbili o pagrenta ng toga.
Ayon sa DepEd kung gagamit na lamang ng “Sablay” mas naipapaalala sa mga mag-aaral ang patriotism at nationalism.
Naipo-promote din nito ang pagiging Makabansa at Makakalikasan, local culture at national diversity.
Pwede ring mai-promote ang ethnic roots sa pamamagitan ng paggamit ng local textiles.
At matutulungan din ang mga weavers sa bansa at mga nagnenegosyo ng tela.
Malinaw sa impormasyon na panukala lamang ito ng DepEd at hindi naman nakasaad na inoobliga ang mga paaralan na ito ay sundin.
Ang University of the Philippines (UP) ay gumagamit na ng Sablay noon pa sa tuwing sila ay magdaraos ng graduation rites.