Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Muling nabawasan ang water level sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa update na inilabas ng PAGASA Hydrology, nasa 202.39 meters ang antas ng tubig ng Angat dam.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.11 meters at 77.66 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water level sa Ambuklao at Binga dams.

Read more...