Nasawi sa COVID-19 sa China sumampa na sa 2,000

Umakyat na sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa China.

Ito ay makaraang makapagtala ang Hubei Province ng 134 na panibagong bilang ng nasawi sa nakalipas na magdamag.

Sa mainland China, 2,002 na ang bilang ng mga nasawi at karamihan dito ay sa Hubei.

Mayroon namang tig-iisang nasawi sa Taiwan, Hong Kong, Pilipinas, France at Japan, dahilan para umabot sa 2,007 ang global death toll ng COVID-19.

Sa magdamag, nakapagtala ang Hubei ng 1,697 na panibagong mga kaso ng sakit.

Mayroon nang naitalang 75,132 na kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang Japan ang ikalawang bansa na may pinakamaraming kaso na umabo na sa 616. 542 dito ay mula sa Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama.

 

Read more...