18) ng madaling araw.
Ang biktimang si Samson Bautista ay nananatili sa ospital.
Ayon sa kamag-anak ni Bautista, nakakapagsalita na ang biktima pero hindi na maigalaw ang buong katawan at may
posibilidad pa na tuluyang maparalisa ito.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na ang biktima at ang kanyang kasamahan. Minamaneho ng biktima ang
tricycle na may pares-mami food cart at paparada na sa Batang Bayani St. nang bigla na lamang lumapit ang isang lalaki
at tinutukan ang biktima ng baril.
Hiningi ng lalaki ang bag ng biktima na may lamang pera pero hindi ibinigay ni Bautista ang bag dahil kailangan niyang i-remit ang kita sa may-ari ng food cart kaya binaril siya ng suspek.
Tinamaan ng bala ang biktima kaya ito ay natumba at kinuha naman ng suspek ang bag at tumakbo palayo.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit nasa kritikal na kondisyon na ito.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ermita Police at wala pa ring pagkakakilanlan ang suspek.
Samantala, nanawagan naman ang pamilya ng tulong dahil may tatlong anak ang biktima na siya lamang ang inaasahan.