5 miyembro ng sindikato ng droga sa Makati arestado

Arestado ang limang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barnagay Pio del Pilar sa Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang limang suspek ay nakilalang sina alyas Arnel, 23; Jomary, 24; Joshua, 23; Darrly, 24; at Vince, 23.

Pawang miyembro ng sindikato ng iligal na droga ang lima.

Nakuha sa kanila ang 50 sachet ng hinihinalang marijuana na nasa 187 grams ang timbang at tinatayang P30,000 ang halaga.

May nakuha ring high-grade na marijuana na kung tawagin ay kush na P12,000 ang halaga at pitong sachet ng hinihinalang shabu na P22,000 ang halaga.

Nakuhanan din ng baril at patalim ang mga suspek.

Ayon kay Simon, ang pinuno ng grupo na si alyas Cedie ay nakatakas.

Read more...