Nakilala ang suspek na si alyas “Boy”, 53 anyos isang tricycle driver.
Ayon sa mga otoridad, isang buwan nilang binantayan ang galaw ng suspek na nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang ng gobyerno.
Agad na inaresto ang suspek matapos magpositibo ang pagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na nakabalot sa candy wrapper bukod sa dalawang sachet ng shabu na ibinenta niya sa poseur buyer at P5,000.
Nang maaresto ang suspek ay dinala ito sa ospital dahil sa alta presyon.
Mahaharap alyas “Boy” sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.