10 katao na nakasalamuha ng Filipino na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong hinahanap na ng mga otoridad

Nagsasagawa na ng contact tracing ang Hong Kong authorities sa 10 katao na nakasalamuha ng Filipino domestic helper na nagpositibo sa COVID-19.

Ang Filipino DH ay 32 anyos at nagtatrabaho sa isang 67 anyos babae na nauna nang nagpositibo sa sakit noong February 13.

Ayon sa Centre for Health Protection ng Department of Health ng Hong Kong, ang Pinay ay unang nagkaroon ng ubo at lagnat noong February 2 pero hindi agad nagpatingin sa duktor at nag-self medication lamang.

Noong February 14 nang ito ay madala na sa ospital at agad inilagay sa isolation.

Pero bago siya naospital, nakipagkita pa ito sa 10 niyang kaibigan sa Central Hong Kong kaya hinahanap na sila ng mga health authority.

Ang iba pang close contact ng Pinay ay ang mga anak ng kaniyang amo na ngayon ay naka-quarantine na.

Mayroon nang 62 kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

Read more...