Ayon pa kay Drilon, hindi rin mapipigilan ng ‘gag order petition’ ni Solicitor General Jose Calida ang mga inimbitahang resource person ng Committee on Public Services ni Sen. Grace Poe na magsalita hinggil sa isyu.
Paliwanag nito, responsibilidad ng mga resource person o testigo na makipagtulungan para magkaroon ng tamang aksyon ang komite.
Ibinahagi din nito na may pagkakaiba ang pag-iimbestiga ng Kongreso ‘in aid of legislation’ at pagdinig sa korte.
Pagdidiin pa ng beteranong senador, walang epekto sa Senado ang ‘quo warranto petition’ at ang ‘urgent motion’ ni Calida patungkol sa isyu ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.