OTWOL, nag-public apology sa kontrobersyal na sayaw ni James Reid habang naka-PNP uniform

james-reid-policeMatapos ang dayalogo na ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), nagpalabas na ng public apology ang teleseryeng “On the Wings of Love” (OTWOL) sa kontrobersyal na eksena ng pagsasayaw ni James Reid habang nakasuot ng PNP uniform.

Sa isinagawang dayalogo sa MTRCB, hiniling ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa producer ng OTWOL na ilabas ang public apology sa opening billboard (OBB) ng teleserye.

Ang ABS-CBN ay nauna nang nag-isyu ng paumahin matapos umani ng puna mula sa PNP at iba pang grupo ang eksena.

Sa nasabing episode, nagsayaw si James Reid na gumaganap bilang “Clark” sa bridal shower ni Leah na ginagampanan naman ni Nadine Lustre, habang siya ay naka uniporme ng pulis.

Sa kanilang public apology, sinabi ni Reicel Saguin ng Dreamscape na wala silang masamang intensyon at hindi nila layong dungisan ang imahe ng mga pulis.

“Mula po sa pamunuan ng ‘On the Wings Of Love’, Dreamscape, at ABS-CBN, kami ay humihingi ng taus-pusong paumanhin sa mga miyembro at pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para sa eksena noong January 11, 2016 episode ng On the Wings Of Love kung saan ang karakter ni Clark ay pinakitang nagsasayaw sa bridal shower ni Leah habang nakasuot ng uniporme ng pulis. Hindi po layunin ng programa na sirain ang imahe, o di kaya’y saktan ang damdamin, ng mga pulis at ng kanilang mga pamilya.,” ayon sa pahayag ng Dreamscape.

Sinabi rin sa pahayag na gumagawa na ng hakbang ang producer ng OTWOL para hindi na maulit ang nasabing pangyayari. Tiniyak din nilang sila ay tutulong upang maitaguyod ang positibong imahe ng PNP.

Read more...