Cellphones, drug paraphernalia, nasabat sa Marikina City Jail

FILE PHOTO/QC Jail
FILE PHOTO/QC Jail

Nagsagawa ng pagsalakay sa loob ng Marikina City ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Martes ng umaga.

Nasabat sa mga sinalakay na selda ang mga cellphones, improvised weapons at drug paraphernalia.

Nakuha ng mga inspector ng BJMP ang mga ipinagbabawal na gamit sa male dormitory.

Kamakailan, nagsagawa na rin ng serye ng raid ang BJMP sa mga nasasakupan nitong bilangguan upang matiyak na hindi makakapagtago ng bawal na gamit ang mga preso.

Noong nagdaang mga linggo, sinalakay na ng BJMP ang Manila City Jail at Quezon City Jail kung saan marami ring nakuhang ipinagbabawal na gamit.

Read more...