Inanunsyo ng China na nakakuha na ng “green light” o inaprubahan at maaari nang gamitin ang FAPI-LAVIR, ang kauna-unahang gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, magandang balita na may gamot na para sa COVID-19.
Sa ngayon, ang kailangang abangan ay kung epektibo ba ito at makakatulong upang mapigilan ang lalo pang paglawak ng virus lalo sa China.
Marapat na hintayin din ang magiging karanasan ng China, lalo’t dito nagsimula ang COVID-19.
Dagdag ng Kalihim na mahalagang malaman kung may side effects ang gamot, at mas maunawaan ito sakaling makarating at magamit ito sa Pilipinas.
Pero habang wala pang gamot sa Covid-19 sa ating bansa, patuloy na pinapayuhan ni Duque ang publiko na sundin ang precautionary measures o paalala ng DOH upang hindi tamaan ng virus at maalagaan ang kalusugan.