Drug cops dapat papanagutin at hindi pagretiruhin – Sen. De Lima

Sinabi ni Senator Leila de Lima na pagkakanlong na maituturing at hindi pagpapakita ng ehemplo ang hamon na magretiro ang mga pulis na isinasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay De Lima hindi dapat regaluhan ng magarbong retirement package ang mga taga-gobyerno na nagkakasala kundi dapat sila ay iharap sa husgado.

Kantyaw pa ng senadora kapag mahirap ang naligaw ng landas ay ipinatutumba ngunit aniya kapag pulis o opisyal pa ng gobyerno ay binibigyan na lang ng opsyon ng early retirement.

Dapat aniya sa mga pulis na nasa nasa ‘narcolist’ ay alisin sa serbisyo at hindi alukin ng pagreretiro na parang walang nangyari.

Diin ni De Lima naging talamak ang droga dahil sa mga aniya ay mga ulupong sa serbisyo na sumisira sa imahe at moral ng mga pulis.

Read more...