Marcelito Pomoy nagtapos sa 4th place sa America’s Got Talent The Champions

Nagtapos sa 4th place ang Pinoy na si Marcelito Pomoy matapos na hindi makakuha ng sapat na boto para maiuwi ang kampeonato sa America’s Got Talent The Champions.

Nagpasalamat si Marcelito sa lahat ng sumuporta sa kaniya.

Aniya isang napakalaking oportunidad na siya ay makapagperform sa AGT.

Si Pomoy ay hinangaan ng mundo sa pagkanta niya gamit ang boses na pangbabae at panglalaki.

Siya ay una nang naging champion sa Pilipinas Got Talent noong 2011 at nagkaroon ng pagkakaton na makalahok sa AGT The Champion Edition.

Itinanghal namang kampeon ang grupong V Unbeatable na binubuo ng mga grupo ng mga mananayaw mula sa Mumbai, India.

Read more...