Dating lider ng CPP naaresto sa Pampanga

(UPDATE) Naaresto sa Angeles City, Pampanga ang isang dating lider ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Dinakip si Rodolfo Salas alyas Kumander Bilog ng mga tauhan ng Central Luzon Police dahil sa kasong murder.

Mayroong standing warrant or arrest si Salas na inilabas ng Manila RTC Branch 32.

Nang siya ay maaresto ay nahulihan din ng mga armas si Salas.

Ayon sa mga otoridad, nakumpiska kay Salas ang kalibre 45 na baril, 174 na piraso ng iba’t ibang uri ng mga bala at dalawang magazine para sa 45 caliber na baril.

Read more...