Barangay Kagawad arestado sa Maynila sa panghahalay sa bedspacer sa Maynila

Inaresto ang isang Barangay Kagawad sa Sampaloc Maynila matapos ireklamo ng panghahalay ng 21 anyos na biktima.

Umuupa ang biktima bilang bedspacer sa paupahan ni Kagawad Chendong dela Cruz, 44 anyos ng Barangay 462.

Ayon sa biktima, mag-isa siya sa nirerentahang kwarto na P6,000 ang bayad niyang renta kay Dela Cruz kada buwan.

Sa reklamo ng biktima, nang hindi siya nakabayad sa renta ay kinausap siya ni Dela Cruz, hinalikan at dinala sa isang bakanteng kwarto at doon siya hinalay.

Matapos ang insidente agad siyang nagsumbong sa mga otoridad para ireklamo ang suspek.

Nang maaresto ay umamin si Dela Cruz na may nangyari sa kanila ng biktima pero hindi umano niya ito hinalay.

 

Read more...