Mga barangay sa ilang bayan sa Rizal magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig

Magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig sa mga barangay sa ilang bayan sa Rizal.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mayroon silang isasagawang service upgrade sa bahagi ng Siruna Pumping Station sa Antipolo, Rizal.

Magsisimula ang service interruption alas 9:00 ng gabi ng Martes (Feb. 18) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules (Feb. 19).

Apektado ang sumusunod na mga lugar:

ANTIPOLO
– Dela Paz
– Sta Cruz
– Bagong Nayon
– Inarawan
– San Juan
– San Isidro
– San Luis
– San Jose
– Dalig
– San Roque
– Beverly Hills
– bahagi ng Mambugan sa Victoria Ville
– Sumulong Right
– Siruna Road
– bahagi ng Mayamot sa Hard Rock
– Pagrai
– Cuenca

ANGONO
– Mahabang Parang

BINANGONAN
– Tayuman

TAYTAY
– Dolores

TERESA
– Bagumbayan
– Prinza

MORONG
– San Guillermo

 

Read more...