Sunog sumiklab sa Brgy. Western Bicutan sa Taguig

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Western Bicutan sa Taguig.

Nagsimula ang pagsiklab ng apoy bago mag-alas 8:00 ng umaga, malapit sa Gate 3 ng Fort Bonifacio sa Lawton Avenue.

Nadamay rin sa sunog ang barangay hall sa lugar at ang ginagawang gusali ng Fort Bonifacio Multi-Purpose Building.

Maging ang mga motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada ay natupok.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Umakyat sa 2nd alarm ang sunog at alas 8:27 ng umaga nang maideklarang under control na ang apoy.

Read more...