Temperatura sa Metro Manila tumaas na, pero Amihan muling lalakas bukas – PAGASA

Mas tumaas pa ang temperatura sa Metro Manila ngayong umaga ng Martes (Feb. 18).

Ayon sa PAGASA, alas 5:00 ng umaga ay nakapagtala ng 25 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Naitala naman ang sumusunod na temperatura sa iba pang mga lugar:

Baguio City – 15 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 19.7 degrees Celsius
Laoag City – 22.8 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 23.1 degrees Celsius

Bukas ayon sa PAGASA muling lalakas ang Amihan kaya muling lalamig ang panahon.

Maaapektuhan din muli ng Amihan ang Visayas.

Read more...