Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, February 18 ay 202.44 meters ang water level ng dam.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.12 meters.

Habang walang pagbabago sa awater level ng La Mesa dam na nasa 77.68 meters.

Nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...