Ayon kay Municipal Fire Marshal Hilario Caniedo, inabot ng isang linggo ang pag-aapula sa sunog dahil sa tarik ng daan. Sa ngayon ay maliliit na bahagi na lamang ng bundok ang may apoy pero balot pa rin ng usok ang bundok.
Naglagay na rin sila ng fire line sa bundok kung saan tinabas nila ang mga damo para hindi na kumalat pa ang apoy.
Kabilang sa mga napinsala ay isang bahay na hindi pa tinitirhan at ilang agricultural land na walang tanim.
Samantala, wala namang naulat na nasawi o nasugatan sa sunog.
Inaalam pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy.
READ NEXT
Produksyon ng iPhone apektado ng COVID-19; target na kita sa 2nd quarter ng taon hindi makukuha
MOST READ
LATEST STORIES