Produksyon ng iPhone apektado ng COVID-19; target na kita sa 2nd quarter ng taon hindi makukuha

Aminado ang kumpanyang Apple na hindi nito makakamit ang target revenue para sa ikalawang quarter ng taon.

Malaki kasi ang impact ng COVID-19 scare sa produksyon ng iPhone sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa Apple, bagaman maraming manufacturing partner ng iPhone ang bukas at nag-ooperate ay mabagal ang produksyon kaya apektado ang suplay.

Dahil sa supply shortage, inaasahang malaki ang magiging epekto nito sa kita ng Apple.

Sa China naman maraming Apple stores ang sarado.

Wala namang Apple store sa ground zero ng COVID-19 sa Hubei Province.

Read more...