5 arestado dahil sa pagsusugal sa Maynila

Arestado ang limang lalaki sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad laban sa ilegal na pagsusugal sa Maynila.

Sa Sta. Cruz, Maynila nadakip ng mga pulis ang isang babae at isang lalaki matapos maaktuhan na naglalaro ng ilegal numbers game sa bahagi ng Oroquieta Street.

Nakumspika sa kanila ang isang calculator at ang mga pera na ginamit bialng taya.

Samantala, sa kanto ng UN AVenue at Coruca Street nadakip naman ang tatlong lalaki.

Ito ay matapos na makita sila ng mga nagpapatrulyang pulis na naglalaro ng cara y cruz.

Ang ikinasang operasyon ay kasunod ng utos ng Philippine National Police na pagpapaigting sa laban kontra ilegal na sugal.

 

Read more...