P2.9M na halaga ng shabu nakumpiska sa Taguig; 7 suspek ang arestado

Arestado ang pitong suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barnagay Maharlika sa Taguig City.

Nakuha sa mga suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 433 grams at aabot sa mahigit P2.9 million ang halaga.

Ang mga nadakip ay kinabibilangan ng anim na lalaki at isang babae.

Ayon kay Police Capt. Ariel Ilagan, hepe ng Taguig Police Station drug enforcement unit, si Alyas Boy, 37 anyos ang target ng kanilang operasyon na hinihinalang nagpapatakbo ng drug den sa lugar.

Maliban kay Alyas Boy ay inaresto din ang 6 na iba pang nadatnang gumagamit ng ilegal na droga.

 

Read more...