Babae patay sa suffocation sa nasunog na unit sa Moonwalk Parañaque City

Nasawi ang isang babae na residente ng Berlin Building, Kassel Residences sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Ang biktimang kinilalang si Roleyne Acloan, 34 anyos ay residente sa itaas na unit ng unit 403 kaya labis itong naapektuhan ng usok nang sumiklab ang apoy.

Ang unit 403 ay nasunog habang nagtatago sa loob nito ang dalawang suspek sa robbery.

Ayon kay Supt. Ariel Andrade ng Parañaque City Police, sadyang sinunog ng mga suspek ang nasabing unit para sila ay makatakas.

Ginagalugad ng mga pulis ang buong Berlin Building sa hinalang hindi pa nakakalayo sa lugar ang mga suspek.

Ayon kay Andrade, naisugod pa sa ospital si Acloan pero binawian din ito ng buhay.

Nailikas din sa nasabing gusali ang dalawang bata at isang pulis na pawang dinala sa pagamutan dahil sa pagkakalanghap ng usok.

Read more...