Mga suspek sa pagsunog ng tindero sa Pandaran, Maynila iniharap kay Mayor Moreno

Iniharap kay Mayor Isko Moreno ang lima sa pitong suspek na responsable sa pagsunog sa isang tindero ng lobo sa
Pandacan, Maynila araw ng Lunes (February 17).

Pawang mga menor de edad ang lima na sumuko sa bahagi ng Barangay 826, Zone 89.

Sa pagharap kay Moreno, inihayag nito sa mga suspek at magulang ng mga menor de edad ukol sa mga kahaharaping kaso.

Posibleng kaharapin ng mga suspek ang Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Article 155 ng Revised Penal Code o Alarms and Scandal.

Samantala, sinabi naman ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso na inumpisahan na ang counseling sa mga menor de edad na suspek.

Kasabay nito, nanawagan naman si Moreno na huwag pagbuhatan ng kamay ang mga suspek sa kabila ng ginawa nitong krimen.

Giit ng alkalde, hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali.

Hindi rin aniya ito ang paraan para makamit ang hustisya para sa biktima.

Read more...