Pangulong Duterte, hindi nangangampanya kay Trump

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi pangangampanya at hindi pag-eendorso ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong karapat dapat na mahalal muli si U.S. President Donald Trump.

Sinasaluduhan ni Pangulong Duterte si Trump dahil sa pagsang-ayon nito na ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika may dalawang dekada na ang nakararaan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nagpapahayag lamang ng sentimyento si Pangulong Duterte.

Hayagan naman aniya ang paghanga ni Pangulong Duterte sa karakter ni Trump lalo na sa usapin sa national interests.

Kumakandidatong muli si Trump sa pagka-pangulo ng Amerika.

Read more...