“Pastillas scheme” paiimbestigahan ng BI

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Senadora Risa Hontiveros kaugnay ng
expose nito sa “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Immigration.

Partikular ang sinasabing pagtanggap ng suhol ng ilang BI personnel para mag-escort sa Chinese POGO workers.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hihingi ang BI ng mga detalye kay Hontiveros hinggil sa naturang
expose nito para magamit sa kanilang imbestigasyon.

Nais aniyang matukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente kung sinu-sino ang mga nasa likod ng nasabing
sindikato.

Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng mga mapapatunayang nasa likod ng modus.

Read more...