Pangulong Duterte, bibisita sa mga sikat na tourist destination sa bansa para ipakitang ligtas ang bansa sa COVID-19

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Personal na maglalakbay at bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sikat na turist destination sa bansa bago pa man matapos ang buwan ng Pebrero.

Ito ay para ipakita sa taong bayan na ligtas na bumiyahe sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa “Laging Handa” press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Undersecretary Art Bonacto na partikular na bibisitahin ng pangulo ang Boracay, Cebu at Bohol.

Ayon kay Boncato, irerekomenda rin niya kay Pangulong Duterte na maligo mismo sa Boracay.

Sa ngayon, sinabi ni Boncato na nangako na ang mga may-ari ng airline company at mga hotel na magbababa ng presyo para maengganyo ang mga Filipino na mamasyal sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang kamakailan lamang, naglabas ng video message si Pangulong Duterte kung saan hinihikayat nito ang mga Filipino na unahin ang pamamasyal sa bansa.

Read more...