Nadagdagan pa ang bilang ng ‘persons under investigation’ (PUI) sa bansa.
Sa press conference ng Department of Health (DOH), araw ng Lunes (February 17), sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire na nasa 171 na ang kasalukuyang binabantayang PUI sa bansa na posibleng apektado ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Nasa 350 naman ang na-discharge nang PUIs.
Samantala sa isinasagawang contact tracing hanggang February 17, 221 na ang nakakumpleto ng home quarantine at 114 naman ang nanatili sa home quarantine.
Sinabi ng DOH na nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa bansa.
READ NEXT
WATCH: Sec. Briones, pumalag sa ulat na 70,000 na batang estudyante ang hindi marunong magbasa
MOST READ
LATEST STORIES