Pulis sugatan sa pagsabog ng granada sa Sorsogon

Nasugatan ang isang pulis makaraang masabugan ng granada sa Bulan, Sorsogon.

Ayon kay Col. Roque Bausa, Sorsogon Police Director, nagbabantay sa guard house ang pulis na si Patrolman Erick Cabilao nang isang lalaki ang maghagis ng granada sa compound ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Aquino.

Nagtamo ng sugat sa ulo si Cabilao, pero ayon kay Bausa, stable naman na ang lagay nito.

Hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na naghagis ng granada.

Patuloy ang imbestigasyon sa inssidente para matukoy ang suspek.

Read more...