Mga Pinoy na stranded sa Macau umapela sa gobyerno na sila ay ilikas

Nagpapalikas na ang mahigit isangdaang Pinoy na stranded sa Macau.

Nasa 134 na Pinoy ang stranded sa Macau ang umapela sa pamahalaan matapos magpatupad ng travel ban ang Pilipinas mula at patungong Macau dahil sa COVID-19 scare.

Bagaman pwedeng bumiyahe pabalik ng bansa ang mga Pinoy na galing sa Macau, wala naman silang makuhang flight dahil kanselado na ang mga biyahe ng eroplano.

Lumagda na sa petisyon ang nasabing bilang ng mga Pinoy para ihirit sa gobyerno na maglaan ng chartered flight upang sila ay makauwi ng bansa.

Ayon naman sa Philippine Consulate Office sa Macau patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa pamahalaan upang makapag-arrange ng flight na mag-uuwi sa mga Pinoy.

Hinimok din ang mga Pinoy na sagutin ang form at mga katanungan na nasa Facebook page ng konsulada kung nais nilang makauwi ng Pilipinas.

Read more...